Discover How Many Times Typhoon Jenny Is Used Worldwide

Typhoon Jenny

Share

Watch and listen to this video and discover how many times typhoon Jenny is used in typhoon names worldwide.

And here is the video transcript just in case, you prefer to read it instead.

Typhoon Jenny Video Transcript

Mga Ka Juan, kung napapanood ninyo ang video na aming na published noong September 18, 2023, binanggit natin doon na ang kasunod na pangalan ng bagyo pagkatapos ng bagyong “Ineng” ay si Jenny.

Ngayon araw ng sabado September 30, 2023 ay binisita na naman tayo ng isang bagyo, at siyempre alam nyo na ang pangalan nito ay walang iba kundi si Jenny!

As of October 01, 2023, araw ng Lingo, ang bagyong si Jenny na may pangalang International name na “Koinu”, ay kasalukuyang pa ring aktibo at unti unting lumalakas at nadeveloped mula sa Tropical Depression to Tropical Storm.

Mga Ka Juan, habang binabantayan natin ang galaw ng bagyong si Jenny dito sa ating bansa, ay babalikan muna natin ang nakaraan upang makilala ng lubusan si Jenny.

Alam nyo na ba kung ilang beses nang ginamit ang pangalan na “Jenny” sa mga bagyo na naranasan ng buong mundo?

Panoorin ng buo ang video na ito, at sama-sama nating tuklasin kung ilang beses ng ginamit ang  pangalang “Jenny” sa mga bagyo na naranasan ng buong mundo.

Ang pangalang Jenny ay ginamit na para sa anim na mga tropical cyclone worldwide.

Isang beses sa South-West Indian Ocean, dalawang beses sa Atlantic Ocean, at tatlong beses dito sa ating bansang Pilipinas, na nasa rehiyon ng Western Pacific Ocean.

Sa Atlantic Ocean, unang ginamit ang pangalan noong 1961 para kay Hurricane Jenny na hindi tumama sa anumang kalupaan.

Ang ikalawang bagyo ay tinawag na Tropical Storm Jenny noong 1969, isang hindi masyadong malakas na bagyo na tumama sa Cuba at sa Gulf Coast ng U.S.A.

Sa Pilipinas at iba pang bansa na nasa rehiyon ng Western Pacific, tatlong beses nang ginamit ang pangalang Jenny.

Una ay noong 2015 para kay Typhoon Dujuan o Jenny, isang malakas na bagyo na tumama sa Ryukyu Islands, Taiwan, at Fujian.

Ang ikalawa ay noong 2019 para kay Tropical Storm Podul o Jenny, na gumawa ng landfall sa Pilipinas at Vietnam.

At ang pangatlo ay ang kasalukuyang aktibong Tropical Storm Koinu o Jenny ngayong 2023.

At sa South-West Indian Ocean, ginamit ang pangalan Jenny noong 1962 para kay Cyclone Jenny, na tumama sa Reunion at kumitil ng buhay ng 36 na tao.

Hindi lang basta pangalan, bawat ‘Jenny’ ay may kanya-kanyang kwento at pinagmulan.

Ano nga ba ang pinagmulan ni Jenny at kailan siya nagsimulang sumikat sa larangan ng mga bagyo dito sa Pilipinas?

Mga Ka Juan, iyan ang mga tanong na ating sasagutin at talakayin sa susunod na video na ito.

Panoorin nyo agad Mga ka Juan, para hindi kayo mabibitin!

At huwag kalimutang i-click ang “Subscribe” at “Notification Bell”, para seguradong makakatangap ka ng notification update, sa tuwing may bagong palabas na video ang “Weather ni Juan”.

Ingat palagi, at maraming salamat Mga Ka Juan!

Share

Leave a Reply

Related