Typhoon Names in the Philippines in 2023

pangalan ng bagyo 2023

Share

Ano ang Mga Pangalan ng Bagyo 2023 na mararanasan ng Pilipinas?

Panoorin ang video na ito tungkol sa mga 2023 typhoon names Philippines.

Here’s the complete transcript of this video just in case you prefer to read it, instead of watching and listening to the video.

Mga Pangalan ng Bagyo 2023 Video Transcript

Ano ang mga pangalan ng mga bagyo na mararanasan ng Pilipinas, sa taon 2023?

Kung humigit-kumulang 20 bagyo ang ating mararanasan sa bawat taon, ilang bagyo pa ang ating inaasahan at paghandaan simula sa araw na eto, hanggang katapusan ng taon?

Panoorin hangang sa matapos ang video, upang malaman kung ilan pa, at ano ang mga pangalan ng mga darating na bagyo ngayong taon 2023.

Ayon sa United Nation Office for the Coordination of Humanitarian Affairs, (OCHA), ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming bagyo o typhoon sa buong mundo, dahil ang buong kapuluan ay matatagpuan sa kahabaan ng typhoon belt ng Karagatang Pasipiko.

Humigit-kumulang 20 bagyo, ang inaasahang papasok at dapat paghandaan sa Pilipinas, bawat taon

Mula noong January 2023 hanggang sa September 09, 2023, ang Pilipinas ay nakakaranas na ng 9 na bagyo, at eto ay ang mga sumusunod:

1. Typhoon Amang or Bagyong Amang

Ang pinaka unang bagyo ay naranasan ng Panganiban, Catanduanes ay ang bagyong “Amang” noong Abril 11, 2023.

At eto ay nag iwan ng 37,807 families or 136,149 persons affected in 256 barangays in Regions CALABARZON, MIMAROPA, V, and XI.

2. Typhoon Betty or Bagyong Betty

Ang pangalawang bagyo ay si “Betty” noong Mayo 27, 2023 at nag iwan ng 18,570 families or 64,763 persons affected in 207 barangays in Regions I, II, III, MIMAROPA, VII, and CAR.

3. Typhoon Chedeng or Bagyong Chedeng

Ang typhonn Chedeng ang ikatlong tropical cyclone ng Pilipinas para sa 2023. Maraming salamat, at eto ay hindi nag iwan ng masamang epekto sa kalupaan ng bansa.

4. Typhoon Dodong or Bagyong Dodong

Noong 11 Hulyo 2023, isang Low-Pressure Area (LPA) ang tinantya batay sa lahat ng available na data sa 575 km East ng Virac, Catanduanes. Ang LPA ay naging Tropical Depression (TD) na pinangalanang “Dodong” noong 13 Hulyo 2023. Noong 14 Hulyo 2023, nag-landfall si TD “Dodong” sa Dinapigue, Isabela.

Ang bagyong si “Dodong” ay ang pang limang bagyo sa Pilipinas, at nag iwan ng 117,728 families or 451,153 persons affected in 452 barangays in Regions I, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VI, VIII, X, and NCR.

5. Typhoon Egay or Bagyong Egay

Noong July 27, 2023 ay pumasok sa bansa ang pang 6 na bagyo si “Egay”.

At eto ay nag iwan ng 972,042 families or 3,568,744 persons affected in 5,636 barangays in Regions I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, V, VI, VII, VIII, XI, XII, CAR, and NCR.

6. Typhoon Falcon or Bagyong Falcon

Noong ika-29 ng Hulyo 2023, ang Tropical Storm “Khanun” ay pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at pinangalanang “Falcon”. Noong 30 Hulyo 2023, tumindi ang “Falcon” at naging Bagyo.

Eto ay nag iwan ng 805,409 families or 3,157,650 persons affected in 1,264 barangays in Regions III, CALABARZON, and VI.

7. Typhoon Goring or Bagyong Goring

Noong Agosto 30, 2023 sa ganap na 5PM, ay naranasan ng bansa ang hagupit ng Super Typhoon na si “Goring”.

May kabuuang 30,774 pamilya o 110,520 katao ang apektado sa 455 barangay sa Regions I, II, III, at CAR.

8. Typhoon Hanna or Bagyong Hanna

Noong Setyembre 1, 2023 sa ganap na 5PM, ay naranasan ng bansa ang bagsik ng pang walong bagyo ng bans ana taglay ang pangalang “Hanna”.

May kabuuang 129,258 pamilya o 474,838 katao ang apektado sa 1,663 barangay sa Rehiyon NCR, CAR, I, II, III, CALABARZON, MIMAROPA, VI, at VII.

9. Typhoon Ineng or Bagyong Ineng

Si Ineng ang ikasiyam na tropical cyclone ng Pilipinas para sa 2023 at ang una para sa Setyembre.

Ang Tropical Depression INENG ay hindi direktang nakakaapekto sa bansa, bagama’t ito at ang mga labi ng HAIKUI ay bahagyang pinapataas pa rin ang Southwest Monsoon, na magdadala ng paminsan-minsang pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon.

Ngayon ay September 9, 2023 at eksaktong 9 na bagyo na ang naranasan ng ating bansa.

Kung humigit-kumulang 20 bagyo bawat taon ang ating mararanasan sa Pilipinas, ay ibig sabihin, meron pa tayong inaasahang 11 bagyo na darating hanggang sa katapusan ng taon 2023.

Para sa kaalaman ng lahat na Juan, eto po ang mga nalalabing pangalan ng mga bagyo na ating mararanasan sa darating na mga buwan, September hanggang December 2023.

JENNY, KABAYAN, LIWAYWAY, MARILYN, NIMFA, ONYOK, PERLA, QUIEL, RAMON, SARAH, TAMARAW, UGONG, VIRING, WENG, YOYOY, at ZIGZAG.

Para sa iyong pang-araw-araw na update, trivia, at kaunting dagdag kaalaman, tungkol sa panahon at klima ng ating bansa.

Siguraduhing pindutin ang “Subscribe” button.

At huwag kalimutang i-click ang notification bell, para seguradong makakatangap ka ng notification update sa tuwing may bagong palabas na video ang Weather ni Juan.

Ingat palagi, at maraming salamat!

Abangan ang susunod na Weather ni Juan update!

Share

Leave a Reply

Related