PC masthead divider
Komiks "Ika nga" contestPC Header
Sa Pilipinas,
ngayon ay Biyernes

Hulyo 04, 2008
PC masthead divider
North America Central America South America Australia - New Zealand - Oceania Philippines Asia Africa Middle East Europe Russia Terra Diaspora
divider_pc_sidebar
March 26, 2008 | Posted by Karla Maquiling at Culture, History

new-frontier-cinema.JPG

The New Frontier Cinema in Cubao. Photo by Athena Tan

By Don Gil Carreon

In this piece from Kanto’s third issue, Tag-ulan, Don Carreon looks back with nostalgia on the rise and fall of Cubao’s theaters.

Bago magsisulputan ang mga naglalakihang mall sa Pilipinas, ang mga sinehan ang paboritong dayuhin ng mga tao para sa kanilang kaaliwan. At dahil sa dami ng sinehan sa Cubao noong dekada 60 hanggang 80, naging isa ito sa mga sikat na puntahan ng mga Pinoy sa Kamaynilaan.

Ngunit sa kasalukuyan, mangilan-ngilan na lang ang mga sinehang tuloy ang pagtakbo sa Cubao. Hindi tulad dati, hindi na dinarayo ang mga natitirang sinehan. Mas gusto na ng karamihan ang mas sopistikadong panooran sa loob ng mga mall. Dahil dito, unti-unti nang gigibain ang mga sinehang dating nakadagdag sa apela ng Cubao upang maging mas kaaya-aya ang lugar sa mga tao.

Ang pagsikat
Nag-umpisa ang pagsikat ng Cubao noong 1955 nang dinebelop ito ni J. Amado Araneta, isang azucarrero mula sa Negros Occidental. Binili ni Araneta ang 35-hektaryang lupain sa Radio Corporation of America dahil nakita niya ang potensyal ng lugar na maging isang sikat na puntahan ng mga taong gustong maglibang. Dahil pumapagitna ang Cubao sa dalawang malalaking lansangan sa lungsod, ang EDSA at ang Aurora Boulevard, tiyak na maraming daraan na tao sa lugar araw-araw.

Ang Araneta Coliseum ang nagging pinakaunang istraktura nang itinayo ito noong 1957 at natapos noong 1960. Bukod pa dito, ipinatayo rin ng mga Araneta ang Farmer’s Plaza (1969), Farmers Market (1972), at ang Ali Mall (1975). Ipinagbili rin niya ang lupa sa iba pang mga negosyante na nagpatayo naman doon ng Rustan’s at Shoemart. Sa katapusan ng dekada 70, isa na ang Cubao sa mga pinakapatok na na pasyalan ng mga Pilipino sa Maynila.

old-ocean-theater.JPG

Old Ocean Theatre in Cubao. Photo by Carvin22

Nalumang New Frontier
Ang mga bagong-tayong coliseum at mall ang naging tanyag na na atraksyon ng lugar, ngunit ang mga sinehan ang lalo pang nagpasikat dito dahil mangilan-ngilan pa lamang ang mga sinehan sa bansa noong panahon na iyon. Ang Avenida lamang sa Maynila ang kayang humigit sa reputsayon ng Cubao sa pagkakaroon ng pinakamagagandang sinehan sa lungsod noon.ng New Frontier Cinema, na nagbukas noong 1968, ang unang sinehan sa Cubao. Ayon kay Gregorio Bautista, isang dating reel projectionist ng New Frontier, normal na kita lamang ang P60,000 hanggang P100,000 sa isang araw noong kalakasan pa ng sinehan.

Isa ang New Frontier sa tatlong sinehang pagmamay-ari ng mga Araneta sa Cubao. Nakapuwesto malapit sa Aurora Boulevard, kinaiinggitan ang New Frontier sa lugar dahil halos nasasakop nito ang kalahati ng isang bloke. Hindi rin lamang ang New Frontier ang may pinakamalaking air-conditioner na sinehan noon kundi pati na rin ang may pinakamagandang audio system. Nakakapag-upo rin ito ng 900 na katao. Ngunit sa kalaunan, wala itong nagawa nang nagsulputan na ang mga mall na may kasamang mga sinehan.

Ang Ali Mall ang unang naging kakumpitensya ng New Frontier. Bagong konsepto pa lamang ang mga de-sinehang mall kaya hindi masyadong nakaapekto ito sa New Frontier. Ngunit nang magbukas ang SM City sa North Edsa noong 1985, naramdaman ng New Frontier ang epekto nito. Sa pagdaan ng mga taon, unti-unting nabawasan ang mga taong nanunuod dito. Mula sa pagiging importanteng pagmamamay-ari, naging pasakit sa ulo ang sinehan.

Pormal na isinara ang New Frontier noong 1997 dahil sa kakulangan ng pera. Ayon kay Bautista, kahit ang pambayad sa kuryente na umabot na sa P2,500,000 ay hindi na makayang tugunan ng naghihikahos na sinehan. Hindi gaya ng magarang pagbubukas ng sinehan, tanging ang mga empleyado lamang ng sinehan ang nanduon sa pagsasara.
Binuksan ito muli noong mga nakaraang taon bilang tindahan ng ticket ng lotto. Inuumpishan na muli ang paglinis at pag-aayos ng mga pasilidad ng New Frontier. At sa pagtatayo ng mga condominium sa paligid nito, inaasahang dadayuhin muli ito ng mga manonood.

Lantang Sampaguita
Isa pa ang Sampaguita Theater sa mga sinehang kontrolado ng mga Araneta dati. Mga 650 upuan higit itong mas maliit sa New Frontier ngunit madalas pa rin dinarayo ng mga tao. Noong 1992, ipinagbili ito sa Great Pines Development Corp., sa pamumuno ng manager na si Josephine Relanpagos.

Bagaman maayos pa ang mga gamit para sa pagpapalabas ng mga pelikula, sirang-sira naman ang mga palikuran, ayon kay Relanpagos. Bukod sa napakapanghi nito, samu’t sari rin ang mga vandalism.
Matapos ang dalawang buwang pag-aayos, tumanggap muli ng mga manunuod ang Sampaguita Theater. Bukod sa paglinis sa mga palikuran, binago rin ang mga gamit sa sinehan. Bumili ng bagong air-conditioner at pinalitan ng acoustic foam ang lumang padding ng mga dingding upang mapaganda ang tunog sa sinehan.

Naging epektibo ang mga ginawang pagbabago sa sinehan dahil kumita ito ng pinakamalaki sa kasaysayan nito. Tumubo ang Sampaguita ng halos P100,000 kada araw nang ipinalabas nito ang mga pelikulang Isusumbong Kita Sa Tatay Ko na pinagbidahan ni Judy Ann Santos at Fernando Poe Jr., at Iron Eagle ni Jackie Chan. Malaki rin ang kinita ng sinehan sa mga pelikulang bold na nakakabenta ng P60,000.

Ngunit hindi rin nagtagal ang tagumpay ng Sampaguita. Noong magbukas ang Megamall noong 1991 kasama ng 12 nitong sinehan, unti-unti ring nabawasan ang taong pumunta sa Sampaguita. Nang magbukas ang Gateway Mall noong 2004, na mayroon ding siyam na sinehan, sa loob mismo ng Araneta Center at ilang hakbang lamang mula sa Sampaguita, tuluyan nang tumupi ang sinehan. Sa ngayon, hindi na mababakas ang Sampaguita Theater. Isang hotel na ngayon ang nakatayo sa lugar nito.

Natuyot na karagatan
Sa dulo ng Araneta Center malapit sa EDSA makikita ang Ocean Theater, isa pa sa mga sinehang lumubog sa pagbukas ng mga mall.
Nag-umpisang magpalabas ng pelikula ang Ocean Theater noong 1973. Ang may-ari nitong si Jack Pascual ay siya ring may-ari ng dating Baron Theater sa España, Manila. Naisipan ni Pascual na magpatayo ng sinehan sa Cubao dahil nga sa tumataas na reputasyon ng lugar na puntahan ng mga tao.

Mga manunuod na walang tiyagang lumakad sa Sampaguita at New Frontier ang mga kustomer ng Ocean Theater. Bagaman mas maliit ito sa Sampaguita at New Frontier, air- conditioned din naman ito at maganda rin ang audio system.

Ngunit ang lokasyon din nito ang naging dahilan sa pagbagsak nito matapos ang isang dekada. Ito ang pinakanaapektuhan ng pagbubukas ng SM North noong 1985.
Sinubukang palakasin muli ni Pascual ang sinehan sa pamamagitan ng pagbabago ng mga pasilidad nito noong 1988. Nagpalagay pa siya ng escalator bilang simbolo ng isang bagong simula. Gumana sa umpisa ang kaniyang ginawa at kumita pa ito ng malaki mula 1990 hanggang 1992 sa tulong na rin ng action films mula sa Hong Kong.

Ngunit gaya ng Sampaguita at New Frontier, hindi rin ito nagtagal. Noong 1998, puro double feature na lamang ang ipinapalabas ng Ocean upang hindi masayang ang pera. Tuluyan nang nagsara ang sinehan noong 2001.

Sa kasalukuyan, nagsisilbi na lamang na tirahan ng katiwala ni Pascual na si Juanito Viñas ang Ocean Theater.

Noon at ngayon
Ilan lamang ang mga nasabing sinehan sa mga prominenteng establisyamentong nagsara sa Cubao dahil sa kawalan ng kakayahang makipagkumpitensiya sa mga mall.
Nasunog noong 1996 ang Nation Theater na nasa likuran dati ng New Frontier Cinema. Sinasabing pinag-iisipang isara na rin ito ng may-ari dahil mahina na rin ang kita nito noong panahong iyon. Isang lawa na ang nasa lugar nito ngayon.

Ang Quezon 1 Cinema na halos katapat ng Sampaguita dati ay tumigil nang magpalabas ng mga pelikula noon pang 1997. Isa na lamang itong headquarters ng isang grupong Kristyano.

Nagsara na rin ang Act Theater na nagbukas lamang nong 1995. Ginawa na lamang itong puwesto ng mga ukay-ukay para hindi masayang ang espasyo sa gusali.

Tanging tatlong sinehan na lamang–ang Diamond Theater, Coronet Theater, at Remar Cinema–ang natitira sa Araneta Center ngayon. Puro double feature na lamang ang ipinapalabas sa Diamond upang kumita ito. Nag-bukas ito noong 1969, at naging pangalawang pinakamalaking sinehan sa lugar.

Related stories:
Pinoy Pop Culture in Photocopied Paper
Wikang Ina Nating Lahat

No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

GallerY
Looking for something to bring home by paintbrush2008
Looking for something to bring home
by paintbrush2008

Explore gallery

In focuS

Aboitiz banner

Sponsored
links

Zugbu

Arty.com

Priscilla

Cendrillon

Santa Fe

Filipiniana Restaurant Niles