PC masthead divider
Komiks "Ika nga" contestPC Header
Sa Pilipinas,
ngayon ay Lunes

Hulyo 21, 2008
PC masthead divider
North America Central America South America Australia - New Zealand - Oceania Philippines Asia Africa Middle East Europe Russia Terra Diaspora
divider_pc_sidebar
October 8, 2007 | Posted by Karla Maquiling at Culture, Features and Articles, Media, Philippines
369178288_393c838819.jpg

Ni Jose Bimbo Santos

This article was first published in the Halloween issue of Kanto, a semiannual zine in photocopied paper. Our thanks to Bimbo, who gladly shared this with us.

Papunta ka isang araw sa isang mall sa Makati. Nakasakay ka sa unahan ng FX. Tahimik ang mundo mo at tipong napapaidlip ka na sa sobrang suwabe ng aircon ni Manong Drayber nang biglang kang napamura sa gulat nang may pumaibabaw na matinding halakhakan sa likod. Matinis na bungisngis na nakakadugo ng tenga, parang ang pagkayod ng terror mong hayskul titser ng mga mala-agila niyang kuko sa pisara. Parang mga lasing sa kanto.

Di pala. Mga Koreyano sila. Parang mga kabuteng nagkalat ang mga Koreyano ngayon sa kung saan-saan sa ka-Maynilaan. At malamang, isa sa mga kabarkada mo, nagtuturo ng Ingles sa kanila.

May kung anong kakaiba sa mga Koreyanong ‘to. Pumaparada sila sa Maynila na para bang dito sila pinanganak, at putek, puwede ba, bakit ba sobrang nakakarindi ng tenga ang kanilang wika? Kaskasin mo na lang ng pangkayod ng yelo ang kinakalawang niyong yero at mas matutuwa ka pa malamang.

Pero alam mo na ba ang balita? Wala silang pakialam. Kahit medyo olats ang kanilang Ingles, wala pa rin silang pakialaman. Mas baluktot man sa bituka ng pinaka-corrupt na opsisyal sa Customs ang Ingles ng mga Koreyano, di pa rin matatawaran ang lamang nila sa atin sa ekonomiya.

Sa “Doing Business Report 2007: How to Reform” annual report ng World Bank at International Finance Corporation, isang komprehensibong pag-aaral ang ginawa upang i-rank ang 175 na bansa sa mundo sa kapasidad nitong maging lugar ng business.

Lumapag ang Korea sa pang 23 na puwesto, kaakibat ang malagong US$15,830 gross national income (GNI) sa populasyon nitong 48.3 million. Nalugmok naman ang Pinas sa 126 na puwesto sa kakarampot nitong US$1,300 GNI sa dambuhalang 83.1 milyong nitong populasyon.

Nagmumura man ang tenga ko tuwing makaririnig ng mga nagdadaldalan at nagtatawanang mga Koreyano, saludo ako sa kanilang attachment sa kanilang wika. Komportable nila itong ginagamit kahit sa gitna ng ibang kultura. Ang alam ko, nag-iingles lang ang mga Koreyano kapag nakikipag-usap sa ating mga Pinoy, na siya naman dapat nilang gawin for obvious reasons. Pero pag sila-sila lang, komportable sila sa kanilang nakagisnang wika at mag-uugnayan sila sa ganitong paraan gusto man natin o hindi. Ang balita ko, tanging ang paglawig lamang ng partisipasyon sa pandaigdigang kalakalan ang primerang rason ng kanilang pag-aaral ng Ingles.

Kapalit ng kanilang pag-aaral ng Ingles dito, isang ginintuang leksiyon din ang kanilang dala—ang wika’y isang ahente ng komunikasyon, at hindi isang status symbol.

Sa totoo lang, mas pipiliin ko pang pumagitna sa isang pulutong ng mga sabog na Koreyano kaysa makipagsosyalan sa isang radio DJ. Ya know? Geez mahn. Sheesh. Yuuupp. Sup y’all lizners awt dah. Excuse me lang, mga pare. Nung huli ko kasing tingin nasa Pinas pa naman ata tayo eh. May bahid nga ng katotohanan ang kasabihang “we are a third world country pretending to be first.”

“What keeps Filipinos from competing is not that not all of us speak English. It’s that there’s too much pressure to speak it exactly like Americans do,” ang sabi ni Roby Alampay, isang kolumnista sa dating Flip magazine.

At di lang mga Koreyano ang may pagmamahal sa wika, di ba’t ang mga Hapon at Intsik din? Bagaman di maikakailang importante naman talaga ang Ingles, di naman tayo dapat magmukhang engot sa kapipilit bigkasin ito gaya ng mga kano. At where’s the love naman para sa ating sariling wikang Filipino?

Gayumpaman, hindi pa rin dapat ipagawalang-bahala ang mga hakbang sa pag-aaral ng wika. Walang mangyayari kung pagtatawanan lang natin ang mga taong balu-baluktot ang Ingles. Lalo na sa mga paaralan, talamak ang diskriminasyon sa mga mahihina mag-Ingles. Sinasampal kagad ng malulutong na tawanan ang anumang kamalian ng kapwa estudyante sa pag-Iingles. Komunikasyon ang isa sa mga prinsipal na gamit ng wika, at hindi isang status symbol. Tulad ng Parker ball pen: hindi ito ginamit para idisplay sa breast pocket ng mga polo, kundi para ipangsulat sa papel.

Pero hindi lang basta kasangkapan ng komunikasyon ang wika; kadalasan, sinasalamin din nito ang kabuuang kultura ng isang lahi.

“Ang wika ay hindi lamang daluyan kundi tagapagpahiwatig at imbakan-kuhanan ng kultura bilang kabuuan ng isip, damdamin, ugali, at karanasan ng isang grupo ng tao. Ito’y katotohanang mapapatunayan ng isang grupo ng tao,” ani Zeus Salazar, isang Pilipinong manunulat.

“Walang kulturang hindi dala ng isang wika, na bilang saligan at kaluluwa, ay siyang bumubuo, humuhubog at nagbibigay-diwa sa kulturang ito,” dagdag ni Salazar.

Ilang pangyayari na rin sa nakaraan ang magpapatunay ng kahalagahan ng pag-aaral ng wastong paggamit ng wika.

Laki na lang ang pagtataka ng Chevrolet nang nilangaw ang bago nitong modelong sasakyang may pangalan na “Nova” sa Latin America. Dahil sa kakulangan ng tamang pagsasaliksik, ‘di nila nalaman kagad na “hindi umaandar” ang ibig sabihin ng “nova” sa Spanish.

Minsan na ring nagbigay ng speech si John F. Kennedy sa West Berlin noong 1963, na dahil sa kamalian sa pagbigkas, inakala ng kaniyang mga tagapakinig na “I am a Jelly Donut” ang pamagat ng kaniyang pahayag.

Importante ang wika, kaya’t ‘di palaging totoo ang sinabi ni William Shakespeare na “ang rosas, tawagin man sa ibang pangalan, ay mahalimuyak pa rin.”

Photo by Resa
©2007 All rights reserved

Related story:
Kanto: Pinoy Pop Culture in Photocopied Paper

3 Comments »

RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a comment

GallerY
Watchin d Boy by OgGie Duque
Watchin d Boy
by OgGie Duque

Explore gallery

In focuS

Aboitiz banner

Sponsored
links

Zugbu

Arty.com

Priscilla

Cendrillon

Santa Fe

Filipiniana Restaurant Niles