PC masthead divider
Komiks "Ika nga" contestPC Header
Sa Pilipinas,
ngayon ay Martes

Disyembre 02, 2008
PC masthead divider
North America Central America South America Australia - New Zealand - Oceania Philippines Asia Africa Middle East Europe Russia Terra Diaspora
divider_pc_sidebar
August 1, 2007 | Posted by Karla Maquiling at Culture, North America

filteany.bmp

 

By Hazel Toquero

Ano nga ba ang tingin sa atin ng mga ibang lahi? Bilang guro sa New York City, common scenario na ang pagrequest sa akin ng interview. Bukod sa puro African Americans and Hispanics ang aking mga kasamahan, apat (ngayon ay dalawa) lamang ang Filipina sa buong school. Considered “exotic” tayo mula pa lang sa straight na buhok natin hanggang sa kayumanggi nating kulay. Noong una ay naasiwa akong mag-grant ng mga sagot dahil sa notion na baka kulamin ako kung magbigay impormasyon ako tungkol sa ating lahi. Dumaan din ang panahon at naging komportable na ako na makisalimuha sa kanila. Dahil ako ang pinaka-Ms. Friendship Asian Teacher sa school, ako ang naging unofficial spokesperson. Ang mga babanggitin ko ang mga karaniwang tinatanong nila.

1. Marunong bang mag-Espanol ang mga Filipino? Como esta? Ang sagot ko ay hindi. Ang aking mga lolo at lola ay malamang natatandaan pa rin ang mga common Spanish words. Matagal nang inalis sa curriculum ang Spanish 1 and 2. Pero para hindi naman ako madehado, naiintindihan ko kahit papaano ang kanilang mga pinag-uusapan. Noong una, naiinis ako dahil lagi akong tinatawag na “linda” ng lolo ng aking kasintahan. Ang akala ko ay lagi niyang nakakalimutan niya ang aking pangalan. Yun pala ang linda ay pretty. Flattered naman ako, Lolo Pepe.

2. Pareho ba ang salitang Filipino at Mandarin/ Cantonese? Sabi ng aking mga estudyante, Chinese daw ang pinag-uusapan namin ng aking friend. Tawa sila ng tawa. Ang sabi naman ng aking Espanolang friend Niponggo raw. Mali! Lagi kong pinapaliwanag na iba-iba ang mga taga-Asya.

3. Bakit ang mga Pinoy laging nakangiti (pwera sa akin? Suplada kase ako sa unang kita= shy ako at first)? Sabi ko naman, natural na sa atin ang pagiging friendly. We almost make it a point to make other people at ease with us. Magaling nga tayong mga PR. Kung Filipino ang PR person ni Bush, tiyak hindi siya kamumuhian ng US of A.

4. Bakit ang bango bangu-bango ng mga Filipino? Obvious ba? LAGI KAMING NALILIGO!

5. Bakit ang daming Filipino ang umaalis sa Pilipinas papuntang ibang bansa? Ang lagi kong sagot ay hanapin nila ang contact number ng Malacanan Palace at hanapin ang taong nagngangalang GMA. Siya ang tanging may kasagutan.

Find out Hazel’s other points in this YouTube video.
Hazel Toquero is a Filipino teacher in the Bronx, New York City. Read her blog.

GallerY
Freedom Fighter by crispyparty
Freedom Fighter
by crispyparty

Explore gallery

In focuS

Aboitiz banner

Sponsored
links

Zugbu

Arty.com

Priscilla

Cendrillon

Santa Fe

Filipiniana Restaurant Niles