
By Hazel Toquero
Ano nga ba ang tingin sa atin ng mga ibang lahi? Bilang guro sa New York City, common scenario na ang pagrequest sa akin ng interview. Bukod sa puro African Americans and Hispanics ang aking mga kasamahan, apat (ngayon ay dalawa) lamang ang Filipina sa buong school. Considered “exotic” tayo mula pa lang sa straight na buhok natin hanggang sa kayumanggi nating kulay. Noong una ay naasiwa akong mag-grant ng mga sagot dahil sa notion na baka kulamin ako kung magbigay impormasyon ako tungkol sa ating lahi. Dumaan din ang panahon at naging komportable na ako na makisalimuha sa kanila. Dahil ako ang pinaka-Ms. Friendship Asian Teacher sa school, ako ang naging unofficial spokesperson. Ang mga babanggitin ko ang mga karaniwang tinatanong nila.
1. Marunong bang mag-Espanol ang mga Filipino? Como esta? Ang sagot ko ay hindi. Ang aking mga lolo at lola ay malamang natatandaan pa rin ang mga common Spanish words. Matagal nang inalis sa curriculum ang Spanish 1 and 2. Pero para hindi naman ako madehado, naiintindihan ko kahit papaano ang kanilang mga pinag-uusapan. Noong una, naiinis ako dahil lagi akong tinatawag na “linda” ng lolo ng aking kasintahan. Ang akala ko ay lagi niyang nakakalimutan niya ang aking pangalan. Yun pala ang linda ay pretty. Flattered naman ako, Lolo Pepe.
2. Pareho ba ang salitang Filipino at Mandarin/ Cantonese? Sabi ng aking mga estudyante, Chinese daw ang pinag-uusapan namin ng aking friend. Tawa sila ng tawa. Ang sabi naman ng aking Espanolang friend Niponggo raw. Mali! Lagi kong pinapaliwanag na iba-iba ang mga taga-Asya.
3. Bakit ang mga Pinoy laging nakangiti (pwera sa akin? Suplada kase ako sa unang kita= shy ako at first)? Sabi ko naman, natural na sa atin ang pagiging friendly. We almost make it a point to make other people at ease with us. Magaling nga tayong mga PR. Kung Filipino ang PR person ni Bush, tiyak hindi siya kamumuhian ng US of A.
4. Bakit ang bango bangu-bango ng mga Filipino? Obvious ba? LAGI KAMING NALILIGO!
5. Bakit ang daming Filipino ang umaalis sa Pilipinas papuntang ibang bansa? Ang lagi kong sagot ay hanapin nila ang contact number ng Malacanan Palace at hanapin ang taong nagngangalang GMA. Siya ang tanging may kasagutan.
Find out Hazel’s other points in this YouTube video.
Hazel Toquero is a Filipino teacher in the Bronx, New York City. Read her blog.
Mabuhay ka, Pilipino!












All Things Brown and Beautiful
reaction ko lang ko sa sentence no. 5, ang dating sa kin nito ay si gma ay mga kasalan kung bakit umaalis ang mga pilipino sa pinas. naka-absurd naman yata para sabahin ito, oo maraming problema ang pilinas pero nde lang ang gobyerno ang dapat kumilos sa ikauunlad, tayo mismo mga pilpino bawat isa satin ang kailangan, ang gumawa, ang magmalasakit para maabot natin ang dapat
I am open to various opinions but my point is, the government plays a big role and sadly, politics in our country has not been effective for the past years. Filipinos need a model so that we will move towards a change for the country. If the elected officials are not doing what is expected of them- serving for the greater good then this only promotes mass exodus of Filipinos to have better lives in other countries. Change happens within ourselves, yes but leaders should make the biggest change.
“Crabs in a barrel mentality and Corruption must stop”.
Sayang, Hazel, hindi mo naabutan si SeƱora Muy Mal ng Spanish class. Though she taught at the College of Accountancy and Commerce, she is an icon in the entire university.
Seriously, I feel a bit uneasy with the answer in No. 5. It is just a little bit “judgemental”. But nevertheless, there is a grain of salt in what you have said. Filipinos migrate no longer to study, have their vacation, but to work. I cannot enumerate the reasons of OFWs why they go abroad to work because this space might not be enough. But we always learn from them–there are no opportunities here. In our profession alone (meaning Psych), we can never practise being a psychologist in the country. Until now wala pa ding board exam which could give us the license to practice. But when you go to the US and practice as a psychologist, wow! Big bucks!
“sa kasalukuyang kalagayan ng pilipinas, dapat talagang ibaling kay gma ang sisi. bakit? kasi marami s’yang puedend gawin, napaka-bobo naman n’ya kung hindi n’ya alam ang totoong situasyon ng pilipinas.”
“subalit ang tunay na problema ng pilipinas ay ang mga filipino. may sadyang napaka-pangit ng ugali ang mga filipino kaya’t patuloy na tila lumulubog sa kumunoy ang buhay sa pilipinas. sawang-sawa na ako sa mga nababasa tungkol sa magagandang kaugalian ng mga filipino, ang dapat bigyan ng pansin ay ang mga bulok na ugaling “pinoy”, hindi lang ang mga filipino sa pilipinas pati na rin ang mga nasa ibang bayan. alam kong hindi ko mararanasan sa aking buhay ang pagbabagong ninanais natin sa ating mga kababayan, at natatakot akong maaring hindi na rin dumating ang pagbabagong iyon”
[...] August 2, 2007 @ 9:59 pm [...]