
By Karla Maquiling
BAYANG BARRIOS actually answers her own fan mail. This we discovered when we left a message at her Website asking for an interview. The next day we get a reply in our inbox, giving us a landline and a mobile number. And when we do call her, we get to talk to her in person—no middle man, no manager, no rep. We had to cut the phone call short because the artist was complaining of singaw (mouth sore).
We find her at Conspiracy Garden Café (which she co-owns with Joey Ayala, Cynthia Alexander, and Gary Granada, among others) one Tuesday night, as amicable in person as she is on the phone, loosening up when she finds out the PinoyCentric team speaks Visayan like her.
Agusan-born Barrios has come a long way since she was discovered by musician Joey Ayala in Davao. Touring extensively with Ayala’s group Bagong Lumad helped her finish college (she has a degree in education) and paved a way for a solo singing career. While embarking on her own was a big decision for her as an artist, the industry made room and she carved a niche of her own.
Several indie albums later and a Metropop award to her name, Barrios is still the same old person she was when she first started: brave, grounded, and resilient. Decades later, singing remains her bread-and-butter (the pains of being an indie artist is that she lugs her CDs around by herself, but she doesn’t complain). Today, more enlightened than when she first started singing, she advocates social issues that are important to her: children, the environment, equality, and unity.
And so we say, padayon, Bayang!
PinoyCentric: Your Website mentioned that you were working on an album of lullabye when you were pregnant in 2005. . .
Bayang Barrios: Na hindi matapos-tapos, because ganun pala yun, pag may anak ka, ibang energy eh. Kahit gustuhin ko man, I have the materials. Naka-record na ako ng seven songs—raw, hindi pa complete.
So now yung lullabye [theme], hindi na lullabye. Nag evolve na. May na record akong lullabye, song for my daughter, Mayoomi, habang lumalaki siya, nag-iiba na naman [ang theme].
PC: Is Mayoomi your first child?
Yes.
PC: How does it feel to be a mother?
Wow. Ang feeling ko parang fulfilled. Nasa ibang level ang happiness, ang experience—hindi ma-explain. Hindi yung satisfaction na dahil babae ka, kailangan magkaroon ka ng anak. Parang buo na ang buhay ko. Parang pwede na akong mamatay. But of course, hindi rin ganun. Dapat alagaan ko ang sarili ko as a mother and as a woman para maalagaan ko ang baby. Ayoko pang mamatay! Kailangan kong maging healthy para makita ko yung baby na lumaki.
PC: Do you think being a mother has enhanced you as an artist?
Yes. In terms of pananaw sa buhay. Noon ayokong tumanda, kasi nakikita ko yung mga matatanda nahihirapan. Ngayon ang perspective ko, kailangan alagaan ko ang sarili ko para makita kong lumaki siya, hanggang paglaki niya at maging mother siya.
In terms of music, I think tumibay ako sa music. Mas pinag-iisipan ko. I think that’s why di ko matapos-tapos ang album kasi madami akong gustong gawin.
Like yung song ko kay Mayoomi. [She sings a line.] Wala siyang katapusan kasi yung melody niya, lullabye siya, hanggang makatulog yung bata. Wala siyang katapusan. So parang ganun yung album ko.
PC: But did you ever set a deadline, like “I want to finish it in—”
Always. I did! Like I have to finish it within 2005, and then later dapat matapos ko ’to bago ako manganak para pagkatapos kong manganak, pwede na akong mag-perform. But no, yung energies ko kasi naka-focus na sa bata. Kung noon, pwede akong umalis sa bahay kahit anong oras sa gabi, ngayon hindi na. Merong “base” na inuuwian na ako. Parang nagkaroon ng kahulugan ang aking pag-stay sa bahay. Dati, most of the time, parati akong wala sa house, madami naman akong nagagawa. Kasi once na lumalabas ako at nanonood ako ng mga artists na nagpi-perform, nakakakuha ako ng inspiration.
PC: When you were a child, did you ever know that you wanted to be a singer?
No. Parang natural siya eh. My mother had a good voice, kumakanta siya sa simbahan. Ang iniisip ko before eh kumanta sa church. Ganun lang ang buhay. Bata pa ako eh.
Nung nakita ko si Joey Ayala [that’s when I realized I wanted to sing.] College na ako that time.
Ang ambisyon ko noon, kasi pinapaaral ako ng pari, magti teach ako. Babalik ako sa kumbento para mag-teach ng catechism. Pero nawala yung scholarship ko, nagwala ako. Sumali ako sa isang play, kung saan si Joey ang director. Actually ang group—actually choir sa school nakuha akong parang extra sa play. Dun ko na feel na lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may reason. Wala akong plano eh. Hindi ko alam na gusto kong maging singer. Ni hindi ko nga alam na pwede pala yun. Na realize ko pwede pala yun, kahit nag aaral ako, pwede akong kumanta.
I didn’t know na may outside world, may ibang bagay na pwede kong gawin. So nung sinabi ni Joey na kailangan niya ng babaeng singer [sumali ako kasi] gusto ko lang ma-divert ang attention ko. At the same time masaya ako kasi singing eh. At the same time, may honorarium.
Nakapag graduate pa rin ako ng college—education, pero di ko na practice. So we toured around the country with the CCP, tapos may shows outside the country.
Ang irony doon, ginagawa ko yun, wala akong intensiyon na gawin, at ito ay napakalaking bagay pala. Ang alam ko lang nun, kakanta ako, binabayaran ako, masaya ako. Later on, after the show, may mga lumalapit at nagtatanong, “Bayang, ano ba ang ibig sabihin ng kinakanta mo?” Hala, hindi ko alam. Kasi yung attention ko nasa melody lang. Ang sa akin survival, kahit papano may nakukuha akong money, nakakapagpadala ako sa amin.
PC: When was it that you actually started to be enlightened with social issues?
Na-enlighten ako through the questions of the people. Siguro mga 20 na ako noon. Kasi outside ng buhay ko, yung mga issues outside sa pamilya ko, di ko alam. Doon ko na-realize na discriminated pala ako nung maliit pa ako, na importante pala ang tribong pinanggalingan ko.
Hindi pa alam ni Joey na Manobo ako. Later lang niya nalaman kasi nagtatanong ako tuwing umuuwi ako, ano ba pinanggalingan ko, bakit Bayang ang pangalan ko. So later in-introduce na ni Joey, si Bayang, Manobo yan, galing yan sa Agusan.
Ako naman, nag-start ako magtanong kay Joey. Ano ba itong “Agila” [a Joey Ayala song]. So yung agila, ininterpret ko siya literally, but nag-start na rin ako magtanong, “Pano mo siya nagawa?” Sabi niya, “Nakita ko yung ibon, endangered siya, nagawan ko ng kanta.”
PC: How have your childhood experiences made you stronger?
Yung experience ko nun, ginagawa ko siyang inspiration. Kasi iba-iba naman ang kakayahan natin. Lalo na sa mga bagong tubo sa Agusan, na kahit ano pa man ang pinaggalingan mo, mayroon kang magagawa na makaka-inspire sa kapwa-tao mo.
Hindi lang dahil mahirap ang buhay ko, ang pinanggalingan ko. Ginagamit ko sila—ang mga experiences ko—para malaman ng mga tao na hindi hadlang yun para maging successful ka sa buhay mo.
Tuwing umuuwi nga ako sa Agusan, kala nila napakalaking tao ko, kasi nakikita daw ako sa TV. Sinasabi ko naman sa kanila na ang ginagawa ko para mabuhay at makapagbigay sa pamilya ko. Kumbaga parang bonus na lang yung nakikilala ako, na may lalapit at magsasabing, “Na touch ako sa kanta mong yun.”
Hanggang ngayon nandun pa rin ako sa struggle na pano ko matutulungan ang kapatid kong to, ang pamangkin ko—pamilya pa rin. Pero yung mga lumalabas sa kanta ko, kahit papano, may universal [theme] na.
PC: What inspires you and your music? How do you work?
Naiinspire ako sa mga nangyayari sa paligid. Nalulungkot ako pagsinasabi nilang may gulo sa Mindanao, na wala naman. Minsan pinapalaki lang [ang istorya]. Nakakagawa ako ng song tungkol sa environment, sa love, sa pagkakaibigan. Tungkol sa buhay ko most of the time ang nagagawa ko.
Minsan, pag down na down ako, nakakagawa ako ng song. Sinasabi ko sa sarili ko, “Bayang, may pag-asa ka pa.”
Yung theme ng mga kanta ko, unity, kapayapaan, pagkakaisa-isa, pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao, mga bata.
PC: They say that one should practice what he or she preaches. Since you sing about love for the environment, how do you incorporate your concern for nature in your everyday life?
Maliit lang na bagay. Tinutulungan ko yung mga kasama ko sa bahay naming na i-segregate yung biodegradable sa nonbiodegradable—iba yung lalagyan. Ang problema lang pag kinuha na nga basurero.
Yung air conditioning sa bahay, di na parating ginagamit.
Yung mga maliliit na basura, pagkain ng candy, huwag itapon kung saan-saan. Napaka-basic lang: kung saan ka nakatira, alagaan natin. Kasi ngayon na nangyayari ang global warming. Nararamdaman na natin. So kailangan na natin kumilos ngayon.
Ang music kasi napakalaking bagay. Siguro kahit sa maliit na paraan ang music ko, may nagagawa.
May isa akong kanta, “Nag-iisang Mundo” [from the album Alon, a collaboration with husband Mike Villegas], na nasa point of view ng bata, na nakikita niya na lang ang magagandang tanawin sa mga textbook. Sinasabi ng bata, Yung mundo iiwan niyo sa amin, pakiingatan na natin ngayon, hindi bukas.
PC: What else is left for you to achieve?
Sana one of these days, ang mga music na ginagawa namin—ni Gary Granda, Joey Ayala, Cynthia Alexander, Grace Nono—alternative music, ay mapatugtog sa radio at mapakinggan ng ordinaryong tao. Kasi ang mga nakikinig sa amin ngayon mga teachers, mga estudyante. Yung lang ang gusto ko talaga.
- - - - - - - - - -
Photos taken from her website. All rights reserved, except for photo at bottom-left by Luis Liwanag.
View additional photos by Ricky Manzano.
Mabuhay ka, Pilipino!















All Things Brown and Beautiful